HINDI MAPANIWALAAN ni Via ang nakikita ng mga mata niya ngayon. Her mom was with Juan. Dala nito ang dalawang bag na pinamili ng mama niya sa palengke. Sabado at wala siyang pasok kaya naman sa convenience store ang punta niya para magtrabaho doon hanggang gabi. Nakangiting tumingin sa kanya ang mama niya nang makalapit ang mga ito sa kanya. “Papasok ka na ba, anak?” tanong sa kanya ng mama niya. “Opo,” tugon niya. “Ano ginagawa mo dito?” Baling niya kay Juan. Ngumiti lang ito sa kanya at hindi sinagot ang tanong niya. “Tinulungan niya ako mamalengke, anak.” Parang ayaw maniwala ni Via sa narinig. Si Juan tinulungan ang mama niya na mamalengke? For sure, may katulong itong incharge na pumupunta sa palengke kaya sigurado siyang hindi ito sanay. Sa tingin niya nga magpi-freak out ito sa d