NAKATINGIN ako ngayon sa bedroom ko na huling makikita ko na ngayong araw. Mamayang alas—tres ng hapon ang alis namin, oras dito sa Canada. “Again, thank you for the three years I was staying here! I hope to see you again, my bed!” Tumalikod na ako at lumabas sa kʼwarto ko. Muli kong naramdaman ang pagiging emptiness ng bahay na ito. Ganito namin natagpuan ang bahay na ito, tanging sofa, table, bed at iba pang furniture, walang buhay ang nakatira rito. “Miss Liana, nasa labas na po ang mga maleta natin. Ako na po dʼyan?” Nakatingin si ate Joyce sa dala kong backpack at dalawang paper bag, hand carry ang mga ito. Umiling ako sa kanya. “Thanks, but no thanks, ate Joyce. Kaya ko na po ito. Magaan lang din naman,” sagot ko sa kanya. “Sobrang bilis ng araw at oras, ate Joyce. Five hours n

