ISANG buwan na akong ginugulo ni Cloud dahil until now ay hindi pa rin bumabalik si kuya Valerian, nasa Japan pa rin siya at may inaasikaso raw, akala ko business, pero hindi, iyon ang sabi ni tita Lilac sa akin nang magtanong ako. Isang buwan na rin ang nakakalipas nang ihatid—sundo ako ng Cloud na iyon, kahit ayoko. Pero, ang loko, mapilit. Pasalamat talaga siya at wala si kuya Valerian sa Pilipinas. At, hindi ko alam bakit sa kanya ako biniling. Nagchat ako kay kuya Valerian, nagtanong about sa paghatid—sundo sa akin ni Cloud, and guess what? Totoong binilin ako sa kanya. Tinanong ko siya, bakit niya ako binilin sa Bakulaw na iyon, hindi na siya sumagot. Nakakainis. May sinabi siguro ang Cloud na iyon, pero hindi nagpapatalo si kuya Valerian. Parehas silang ugaling dalawa. Hindi

