“SINO itong malanding babae na from Marketing department, ang lumandi sa substitute Professor nila? Ang nalaman ko lang nalaman ay super landi ng estudyanteng babaeng ito, maraming flings na ibaʼt ibang lalaki at sa bar niya name—meet ang mga ito, hindi lang iyon baka nga may aids na ang babaeng ito dahil sa kakatihan niya! Girl, hindi ka ba nakuntento sa mga fling mo kaya maging ang substitute Professor niyo ay inakit mo rin? Ano pa nga ba ang gagawin mo, matalino ka kaya dapat maakit ang substitute Professor para pasok talaga sa banga ang pagiging Magna c*m Laude mo. Baka nga hindi ka talaga matalino, inaakit mo lang ang Professor mo para ibigay ang mga sagot sa iyo. Clue: Isa sa mean girls, iyong malaki ang future!” malakas kong sabi sa post na iyon. Ako talaga ang nasa issue na ito.

