PUMUNTA ako sa convenience store na malapit sa Maravilla University, ang AMA Convenience Store. Iyon ang name nito. Bumili ako ng ice cream in cone habang naghihintay kay Pauline ngayon, maging ang chocolate sandwich ay bumili rin ako. Hindi kasi ako pʼwedeng maghintay sa tapat lalo naʼt nag-cutting ako ng isang subject, kay Prof. Bocar pa. Matalas ang mga mata ng isang iyon. Lalo naʼt pinaalam nina Ivy and Amira ay nagkaroon ako ng sakit, kaya umuwi ako. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na rin si Pauline. Nakita kong hinihingal siyang pumasok sa convenience store. “Ate, kanina ka pa po ba? Sorry po, late kami pinalabas sa biological subject namin,” aniya. Inabot ko ang pera sa kanya. “Ayos lang, bumili ka na rin ng ice cream bago tayo umuwi. Masarap ang charcoal ice cream nila,