“HEY, sino ba ang dapat kong malaman na nandito ngayon, ha?” Kinukulit ko pa rin siya dahil panay ngisi ang sinasagot niya sa akin ngayon. Tinignan niya ako at zinip ang kanyang bibig. “Wow! Valerian! Matapos mong sabihin iyon tapos ngayon tatahimik? Pinaglalaruan mo ba ako, ha?” Tumataas na ang boses ko, napangiti rin agad ako nang makita ang iilang matang napatingin sa akin. “If ako sa iyo, Liana, tatahimik ako. Ayaw mo naman ma—tsismis na masungit at walang manner ang heiress ng Marquez, right?” Nawala ang ngiti sa aking labi nang sabihin niya iyon. “Mas concern ka pa sa aking estado, ha? Dapat nga mas concern ka sa sarili mo kasi until wala kang girlfriend. Lalaki ka, kaya lahat ng mata ng ibang business family dʼyan na may anak na babae ay nakatingin sa iyo, right?” mahinang sabi k

