CHAPTER 8: Make a Bet?

2314 Words
ALMOST fourty minutes na ako rito sa classroom ng mga cosmetics, malapit na rin matapos ang isang kamay ko, isang kuko na lamang. Nakatingin lamang ako sa kanila habang seryoso ang mga mukha nilang nililinisan ang aking mga kuko. “Ate Liana, ang ganda po ng kuko niyo. Always niyo po ba ito nililinisan?” Napatingin ako kay Barbara at umiling. “Nope, kung ano ang ginagawa kong paglinis sa buong katawan ko, ganoʼn din ang ginagawa ko,” sagot ko sa kanya. “Wow! Sobrang ganda po kasi... Tapos na po namin ang unang kamay niyo po, nagustuhan niyo po ba ang design?” pagtatanong ni Kristine. Tinignan ko ang kuko ko, iba-iba ang kulay, may light blue at may white and blue na combination. May design din itong blue flower sa pinaka-gitna kong daliri, at ang iba ay may glitters lamang. Simple pero kalmado ang design nito. “Ang ganda! Hindi rin mahaba ang kuko ko, pinantay niyo lamang,” manghang sabi ko at tinignan pa iyon sa malapitan. “Ang gagaling niyo, ha!” puri ko pa sa kanila. Napakamot sila sa kanilang buhok. “Thanks po, ate Liana. Kung gusto niyo pong magpa-nail art, sa amin po kayo lumapit. Hindi po kami magpapabayad sa inyo. Next na po natin ang isa,” sabi nila sa akin at ang kaliwang kamay ko na ang inayusan nila. Napalibot ako ng tingin sa buong classroom nila, halos ang lahat ay may model na at ginagawa na rin nila ang mga iyon. Ganito pala ang cosmetic course. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone sa bulsa ng pants ko, kinuha ko iyon at nakita ko ang name ni Ivy. Anong sasabihin ni Ivy? Hindi ba siya papasok? Sinagot ko iyon at ni-loudspeaker, hindi ko pa pʼwedeng gamitin ang aking kamay, baka hindi pa tuyo ang nail art ko. “Hello, Ivy, what do you need?” bungad na tanong ko sa kanya at tinignan ang tatlo. Hindi ko nararamdaman ang mga kamay nila, sobrang gaan ng paglilinis nila sa kuko. “Liana, where are you?” “Me? Nasa cosmetics building? Inaayusan ako ng tatlong babaeng kumausap sa akin kahapon. Bakit?” Nakatingin lamang ako sa paligid ko. “Oh, naaalala ko na! Pupuntahan ka namin ni Amira dʼyan, ha? Nandito na kasi kami sa campus, so early pa nga! Kaya puntahan ka na lang namin, okay? So, bye! Ibaba ko na ito!” malakas niyang sabi at binaba na niya agad ang call. Binalik ko na lamang muli ang phone ko sa bulsa at hinintay ang pagdating nina Amira and Ivy, hindi rin naman nagtagal ay pumasok sila. “Excuse me,” sabi niya nang makita nila ako. “Wow! Ang ganda ng nail mo, Liana. Sila talaga ang gumawa niyan?” Tumango ako sa kanya nang hawakan niya ang aking kamay at tinignan iyon nang malapitan. “Nice, ang galing niyo! Kunin niyo rin akong model kung may ganito pa kayo, ha? Or, kahit sa buhok!” sabi ni Ivy. “Ayan, Bianca, Barbara and Kristine, may model na agad kayo sa hair,” sabi ko sa kanila. “Um, thank you po... Mayroʼn nga po kami sa hair, pero sa midterm pa po iyon... Gusto niyo po ba talaga, Miss?” “Ivy! And, donʼt call me Miss. Same na lang sa tinatawag niyo kay Liana! So, deal ako! Ako ang kunin niyo, ha?” “Okay po, ate Ivy. Puntahan na lang po namin kayo sa room niyo po,” sagot ni Barbara. “Hey, bago tayo lumayo, bakit pumunta kayo rito?” tanong ko sa kanilang dalawa habang si Amira ay hindi na naman mabitawan ang phone niyo. “Ay, oo nga pala! Huy, Liana! May good news kami!” Napatingin ako kay Ivy at ngumiti sa akin nang napakalaki. I rolled my eyes to her. “Good news?” bagot na tanong ko sa kanya. “Anong good news mo, Ivy?” tanong ko muli at hinipan ang aking kuko. Ang tagal matuyo. Nandito pa rin ako sa Cosmetics course, kinuha nila akong model sa project nila. Tinanggap ko na dahil wala naman akong ginagawa at nakakaawa rin kasi ang tatlong babae na ito, nuʼng isang araw pa ako pinipilit na kunin nilang model. Mean girls ang tawag nila sa amin pero mabait ako sa mabait. Ganoʼn ang attitude naming tatlo. Kaya kebers ko sa mga nagsasabi maarte at napakasama ng ugali namin. Hindi lang kami close sa kanila kaya nasasabi nila iyon sa amin. Napatingin sa paligid si Ivy at tumingin sa akin. Tinapat niya ang kanyang bibig sa kanang tenga ko. “Girl, do you want to have a bet?” bulong niya sa akin at nakita ko ang pagngiti niyang iyon. Sa aming tatlong magkakaibigan na sina Ivy and Amira, ako ang hindi mayaman sa kanila. Alam naman nilang sa squatter ako nakatira at ayos lang sa kanila iyon kaya pinagpapanggap nila akong mayaman. Tinutulungan din kasi nila ako sa mga gamit ko, katulad ng damit na sinusuot ko kapag umaalis kaming tatlo at lalo na sa mga alahas na pinapasuot nila sa akin. Ang iba naman ay bili ko talaga gamit ang mga pera ng mga lalaking inaakit ko. Thatʼs how I work! “Bet? Ano naman ang ibe-bet natin, ha?” tanong ko sa kanya at tumingin sa isang babae na dine-design na ang aking kaliwang mga kuko. Tumango siya sa akin. “Yes, bet, Liana!” saad niya at nakita ko ang pagkinang ng kanyang mga mata habang sinasabi niya iyon. Ano na naman kaya bet ng isang ito? Kumikinang pa ang mga mata. Ngumiti ako sa kanya habang siya ay kumikinang pa rin ang mga matang nakatingin sa akin. “Ano na naman ang bet na iyan, Ivy? Ayos na ba ulit kayo ni Aqua kaya nakaisip ka na naman ng kalokohan?” tanong ko sa kanya. “Malapit na tayong matapos?” tanong ko sa babaeng nag-aayos ng kuko. Tinignan niya ako at tumango. “Malapit na po, ate Liana,” nakangiting sabi niya sa akin, tumango na lamang ako sa kanya. “By the way, after nito ay anong gagawin ko? Lalapit ba ako sa professor niyo? ” saad ko sa kanilang tatlo. Ngumiti sila sa akin at tumango. “Um, opo, sasamahan po namin kayo sa professor namin, ate Liana. Then, pi-picture-an din namin po kayo,” saad ni Bianca sa akin, at muling bumalik sa paglilinis ng kuko ko. Ngumiting tumango na lamang ako sa kanila at bumalik ang tingin kay Ivy. “Anong bet naman niyan, Ivy?” tanong ko muli sa kanya. “May bagong professor tayo sa Taxation, ʼdi ba, Liana?” Tumango ako sa kanya. “Iyon ang sabi ni Prof. Coby, ʼdi ba? Anong mayroʼn naman sa kanya?” “Yes! Siya ang papalit muna sa Professor natin ng ilang buwan! At, Pinag-iisipan natin kung gwapo ba or hindi ang new Professor natin bukas? Or, terror ba katulad ni Prof. Santos! Kaya nakaisip kami ni Amira...” nakangiting sabi niya sa akin. Tinignan ko lamang siya at napailing. Ganito siguro ang mga mayayaman, ano? Ang lalakas ng trip! “Ano naman ang gagawin natin doon? Dalhin din natin siya sa hospital? Para wala tayong professor? Huy, mean girls tayo, pero hindi ako mamamatay tao!” saad ko sa kanya at binalik ang tingin sa ginagawa nila sa kuko ko. “Gaga ka, Liana!” malakas na sabi niya sa akin, kaya ang iba ay napatingin sa pʼwesto namin. Mabuti na lamang ay lumabas iyong professor nila, kung ʼdi napagalitan na siya kahit sabihin mong isa ang parents niya sa investor dito. “Sorry naman,” hingi niya nang paumanhin sa lahat at bumalik ang tingin sa akin. “Ikaw kasi, Liana!” saad niya sa akin. Ako pa ang may kasalanan, ha? “Hindi iyon ang sinasabi ko sa iyo! Ang sabi ko ay akitin mo si Prof natin sa Taxation!Nabalitaan ko kasing no girlfriend since birth ang professor natin, Liana! Kaya once na mahulog sa iyo si Prof. ibibigay ko ang kotse ko sa iyo! Deal?” saad niya sa akin at nakalahad na sa akin ang kanyang kamay. Nangunot ang noo ko sa kanya. “What? Itataya mo iyong kotse mo para sa deal na ito, Ivy? Nasisiraan ka na ba ng bait?” sabi ko sa kanya. Umiling siya sa akin. “Nope! Gusto kong magpabili muli ng new car kina dad and mom! Then, ayaw nila akong bilhan kaya ibibigay ko ang car ko sa iyo, para bilhan nila ako. Hindi naman sila magagalit kung sa iyo ko ibibigay iyon. Pero, bago ko ibigay ay magkaroon muna tayo ng deal, Liana? Ano, deal ba? Akitin mo ang new Professor natin sa Taxation!” saad niya at ngumiti nang malaki. Nakagat ko ang aking ibabang labi at tinignan si Ivy. “Are you sure about that? Teka... Mamaya na ulit tayo mag-usap, lumabas na muna kayo, dumating na iyong Professor nila at baka pagalitan kayo,” sabi ko sa kanilang dalawa. “Oh, siya lalabas na muna kami, ha? Pag-isipan mo ang sinabi ko, Liana.” Nakita ko ang paglakad nila paalis sa loob ng classroom, kaya heto ako kung tatanggapin ko ba ang alok ni Ivy sa akin. “Ate Liana, tapos na po kami sa kuko niyo. Tignan niyo na po.” Nawala ang aking iniisip at napatingin sa tatlo. Nakita kong ganoʼn din ang design and kulay nuʼn. “Thanks!” sabi ko sa kanila at pinicture-an muna nila ang aking mga kamay. Pinatayo na nila ako at dinala sa harap kung nasaan ang Professor nila. Nilapag ko ang aking magkabilang kamay sa table niya, tinitigan nang mabuti ng Professor nila ang kuko ko, mayroʼn pa nga siyang magnifying glass. Grabe naman sa higpit ang isang ito. Maganda kaya ang nail art na ginawa ng tatlong ito sa akin, nagustuhan ko nga. Dapat tanungin man lang niya ako. “Barbara, Bianca and Kristine, 1.25,” sabi niya kaya nakita ko ang tuwa sa mukha ng tatlo. Napatingin ang Professor nila sa akin. “Pangalan? Para bigyan kita ng excuse letter sa Professor mo.” “Liana Castro from Marketing Management Department po, Maʼam,” mabilis na sagot ko sa kanya. Napansin ko sa wall clock ay 10:20 naʼng umaga, Sales Management subject na namin, sana wala ang Professor namin. “Here's your excuse letter. Thanks, Miss Castro!” Inabot niya sa aking ang excuse letter. “Thank you po,” sabi ko sa kanya at lumabas na ako kasama ang tatlo. “Thank you po, ate Liana. Nakakuha kami ng 1.25 na grades dahil sa inyo, mahigpit po kasi ang Professor namin dito kaya madalang ang makakuha ng 1.25 sa kanya, kaya natuwa kami nang marinig iyon kanina,” sabi ni Bianca. “Totoo po iyon! Thanks po!” saad nina Barbara and Kristine. “Thanks din sa libreng nail art! Oh, siya alis na ako! Umpisa na ang first subject ko... Oo nga pala, tungkol kanina kay Ivy totoo ang sinabi nuʼn. Siya ang kunin niyong model sa hair! Bye!” sabi ko sa kanila at lumakad na ako papunta sa building namin. Nakaakyat na rin ako sa fourth floor at pumunta sa classroom namin, nakahinga ako nang maluwag nang makitang maingay at magulo sila. Wala kaming Prof. “Liana, come on! Kanina ka pa namin hinihintay!” sigaw ni Ivy sa akin. “Wala ulit tayong Professor?” tanong ko at umupo sa pʼwesto ko. “May meeting si Prof. Garcia. Kaya wala siya ngayon. Hindi rin nagbigay ng gagawin,” sagot ni Ivy sa akin. “Balik tayo sa sinasabi mong deal. Sure ka ba sa kotse mo? Last year mo lang iyon binili, ʼdi ba?” sabi ko sa kanya. “Yea, but, gusto ko ng palitan! Kaya ano, deal ka ba?” Tinitigan ko siya nang mabuti.“Wait, are you sure our new Professor has no girlfriend since birth? Malay mo ay may girlfriend iyon, at baka masabunutan ako, ha? I don't want to be a third party, Ivy!” sabi ko sa kanya. Yes, I have flings pero ang mga flings ko ay walang girlfriend. Ayokong manakit ng feelings ng babae. Tumango siya sa akin. “Of course, wala siyang girlfriend, Liana. Hindi kita ipapahamak!” sabi niya sa akin. “Kanino mo naman nalaman na wala siyang girlfriend ever since?” I wanted to be sure about sa sinasabi niya. Makikipag-deal talaga ako. Because, I want a car kahit wala pa akong license. Kukuha na lang ako kapag nasa akin na ang car niya. “Yes, 100% sure akong wala siyang girlfriend, Liana. Sinabi rin ni Prof. Coby iyon. Hindi kita ipapahamak... Once na mali ang sinabi na information ni Prof. Coby, siya ang ituturo ko kaya donʼt worry,” nakangiting sabi niya sa akin. I gasped and looked at her. "Okay, fine. But, before that, what am I going to do with our Professor?" I asked her. “Make him fall in love with you, Liana. In just one month... Then, my car is yours!” “Okay, I accept your offer. Let's make a deal, Ivy. I will make him love me, and the evidence is that I will introduce him to you. Then, your car will be mine!” I said to her and we both shook hands. “Malay mo maging kayo pa sa isaʼt isa talaga!” Napailing na lamang ako sa kanya. Paiibigan lang pala ang Professor namin. Easy lang sa akin. Maraming nahuhulog na lalaki sa akin dahil sa boobs kong kasing laki ng watermelon. Easy catch lamang ito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD