DECLAN ITʼS f*****g three years nang huling makita ko si baby girl. Ilang beses pa rin akong umaasa na baka magkita muli kami, na baka kausapin niya rin ako, pero wala. Hindi siya nagparamdam. Iniwan niya ako. “Sir Declan?” Napataas ang tingin ko sa lalaking pumasok, si Jay. Nakita ko ang seryoso niyang mukha at may inabot siya sa akin. “What is this?” tanong ko sa kanya at muling tinignan ang papers na nasa harapan ko. “Invitation card, Sir Declan. From Sir Jagger.” Nakita ko ang black and red na invitation card na nakalahad sa harap ko. “Business party again?” I ask him. Hindi ko pa rin kinukuha ang card na nasa harap ko ngayon. “Ganoʼn na nga po, Sir Declan.” “Throw it, Jay! Hindi ako pupunta sa mga business party, or f*****g date party, Jay! Kaya itapon mo, or mas better k

