PUMASOK muli kami sa loob ng yate, wala naman nagbago rito, pero sa may table ay may pagkain na nakalagay roon. “Niluto mo ʼto?” tanong ko sa kanya at tinuro ang tatlong putaheng pagkain sa table. May Rice, adobong baboy and fried chicken and slices of fruits. “Yes, baby girl. Wala ba sa mukha kong marunong akong magluto?” Tinuro niya ang kanyang sarili. Ngumiting tumango ako sa kanya. “Um, yes po, daddy Declan. Pero, marunong ka ba talaga?” Naniniguradong tanong ko sa kanya. “Of course, baby girl. Natuto akong magluto when I was in college. Naka—dorm ako nuʼng college and para mabuhay ay dapat marunong kang magluto. I learn how to cook, thanks to our cook. Nagpaturo ako sa kanya habang vacation namin sa school.” Napatango ako sa kanyang sinabi. “Mukha ka namang nagsasabi ka ng toto