BIGLANG nagkagulo nang may umusok, sobrang kapal nang usok na siyang pagkagulo ng mga bisita namin. Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni dad sa akin, pero hindi ko na siya makita dahil sa kapal naʼng usok, puro puti na ang nakikita ko ngayon, as in! May bumangga sa aking katawan na siyang pagkahiwala ko sa pagkakahawak ko kay dad. “D—dad?” tawag ko sa kanya habang kumakapa ako sa kaputian ng paligid. Bakit hindi pa rin nawawala ang uso? Hindi pa binubuksan ang pinto? “Sarado ang pinto! Buksan niyo ito!” “Tulungan niyo kami!” “Huwag kayong humarang sa pinto! Hindi mabubuksan ang pinto, papunta rito sa loob ang bukas niyan!” Napalingon ako sa paligid nang may marinig akong mga boses. Hindi ko alam kung nasaan sila? “Liana! Iha! Where are you?” Napalingon ako sa paligid nang ma

