DECLANʼS POV NAKALABAS na rin ako sa bar. Pinuntahan ko agad kung saan naka-park ang car ko. “Quentin! Roey!” tawag ko sa kanilang mga pangalan nang makita ko silang nakabantay sa dalawang lalaki at dalawang babae. Magjowa pa yata ang mga ʼto. “Mr. Declan, sila ang nakabangga.” Tinuro niya ang mga iyon. “Gaano kalaki ang damage?” “Ganito kalaki,” sagot niya at pinakita iyon. “Oh, f**k!” Buong harapan ng car ko ay sira. “I—Iʼm sorry, Mister. H—hindi kasalanan ng boyfriend k—o...” I glared at her. “Hindi kasalanan ng boyfriend mo? Paano mo nasabi? Umaandar ba ng mag-isa ang kotse? May sariling buhay ba iyan? And, magda-drive ng boyfriend mo ng lasing? Gusto niyo bang magpasundo agad kay San Pedro? Okay sana kung kayo lang ang magpapasundo sa kanya... What if mandamay pa kayo ng civil