THREE in the afternoon nang umalis na rin ang nag—iisang pinsan kong si Valerian sa side ni dad. Heʼs nice kaya nagpadala ako sa kanyang sinabi. Hindi naman siguro siya magsisinungaling sa akin, ʼdi ba? Kaya nang matapos kaming mag—usap, bumalik kami sa panonood ng horror movie na parang hindi dumating si Valerian sa house namin. Natapos na rin kaming manood nang makitang mag-a-alas singko naʼng hapon, may gagawin pa raw sila, pero ako ay nanatiling nakaupo ako rito sa sofa habang pinag—iisipan ang sinabi ng pinsan kong iyon. “Ate Liana, nakauwi na po ako!” Napataas ang tingin ko at dumako sa main door nang makita ko si Pauline, kita ko sa mga mata niya ang pag—aalala. “Oh, welcome back, Pau! Kumusta school?” I asked her, kahit alam kong nag—aalala siya sa akin. “I need to talk to yo

