DECLAN NAKAPASOK na rin kami sa loob ng venue, nakita ko ang malaking space rito, maraming dumalo para sa business meeting na ito. “Oh, thatʼs Lazaro! Silvestre!” Tinuturo na ni Jay ang bawat family na nakikita namin ngayon. “Malalaking pamilyang dumalo rito, ha? Waiter, pengeng pang—shot!” Kumuha ng shot glass si Jay sa mga waiter na dumadaan ngayon. “Sir Declan, nandoon ang table natin. Table number 5, nakita ko na rin ang parents niyo,” saad ni Quentin nang makita niya kami sa isang tabi, may hawak na rin siya shot glass. Ang bibilis ng mga kamay ng mga gagong ʼto “We will go there! May na—spot—an na ba kayo?” tanong ko sa kanila habang naglalakad ngayon papunta sa table namin. “Spot? Si madam Liana ba ang tinutukoy mo?” Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi. “f**k yo

