Aliya's POV "Wife?" napalingon ako nang tawagin ako nito. "Hmm?" baling ko dito habang isinasalang ang kalan, nakaupo lang to sa mesa habang inaantay akong matapos sa pagluluto, mas gusto ko kasing ako ang naghahanda ng pagkain niya. "Are you okay?" halatang nag-aalala to, sa ekspresyon pa lang nito at sa tono ng pananalita. "Yes?" sagot ko dito, medyo alanganin ako kasi parang naghihina ako. "Don't answer me with a question wife." sabi nito saka nakita ko siyang ngumiti. "I'm fine, okay. Bakit ba kasi?" tanong ko dito, pinatay ko na ang stove saka hinain ang niluto ko. Inilapag ko na to sa mesa, napansin kong panay ang tingin nito sakin, "you look pale, halika nga." pahayag nito bago ako tinawag na lumapit sa kanya. Tumayo siya saka hinaplos ang likod ko bago sinapo ang noo ko, "I