Aliya's POV "Aalis na ako Cade." paalam ko kay Cade, papasok na ako sa klase, mga ilang araw rin akong absent dahil sa mga kalokohan niya. Pangatlong araw na ngayon mula ng makabalik kami dito sa bahay. "Ihahatid na kita." sabi nito. "Wag na, kaya ko naman." sabi ko, habang patuloy pa rin sa pamumulot ng libro. "No, I insist!" sabi nito saka inagaw ang mga dala ko. Wala na akong nagawa, sinunod ko na lang to. "Thank you." biglang sabi nito nang makasakay na ako. "For what?" tanong ko. "For everything, thank you dahil hinayaan mo kong ihatid ka, thank you for giving me a second chance... Thank you for loving me, wife." litanya nito na ikinatahimik ko. "Susunduin kita mamaya." biglang sabi nito na ikinagulat ko. "No, wag na, ako na lang." pagtutol ko. "Bakit? May sasakyan ka ba?