Cadden's POV Tahimik kaming nakaupo ni Aliya dito sa sala habang ang kambal namin ay mansinsing nag-uusap sa di kalayuan, natutuwa talaga ako sa kanilang dalawa, maayos silang napalaki ng ina nila at ang higit na ikinatutuwa ko ay ang pagiging possessive nila sa mommy nila. Naiimagine ko na kung magiging ano sila paglaki nila. "Hey, I'm asking you stranger!" bulyaw ni Reid sakin, kanina pa pala ako kinakausap nito. "I'm sorry, what is it again?" tanong ko dito. "See, he's not listening Aze." sabi nito kay Blaze na abalang-abala sa ginagawa. "What are you doing?" animo'y gulat na sabi ni Reid sa kapatid niya nang makitang di rin ito nakikiisa sa kanya sa halip ay kumakain lang ito ng marshmallow. "Kumakain, baka kasi isauli mo na sa kanya." ang cute ng anak ko nakanguso pa to