Ella's POV "Ba't di mo nagawa?!" kausap ko si Smith ngayon. "Di namin siya nahanap... ba't ba kelangan mo pang umabot sa ganito? Di mo naman kailangan pa ang pera ni Cadden, yong mamanahin mo pa lang sa kinilala mong pamilya e sobra-sobra na." pahayag nito. "Smith, baka nakakalimutan mo, hindi pa nakikita ang bangkay ng dalawang anak ng mga Alzalde, sa oras na bumalik sila pwedeng mawala ang lahat sa akin. Sino nga bang nakahihigit sa aming tatlo? sila na mga tunay na Alzalde o ako na napulot lang sa lansangan, kinaawaan, kinopkop at inalagaan?..." Parang nagbalik agad ako sa nakaraan... Flashback: Maaga akong naulila, nagpalaboy-laboy sa lansangan, nanlilimos sa mga dumaraan, hanggang sa... May humintong sasakyan sa harap ko. "Anong pangalan mo?" tanong nang isang magandang babae