Aliya's Point of View Isasara ko na sana ang pinto nang biglang sumulpot si Lance at iniharang ang sarili, titig na titig sakin ang mga namumula at malamlam nitong mga mata, wala na ang dugo sa mga labi nito. "I think we should talk Ae, you should start getting your ring back." Aniya, getting my ring back? Ibig sabihin ba'y magdidate kami? Napatingin ako sa suot niya, white shirt, bright steel blue cashmere trench, tattered black jeans and a white adidas superstar originals ibabagay ko na lang ang susuotin ko sa suot niya. Kailangan niya ring malaman ang lahat, dahil kaibigan ko siya at isa pa, parte rin siya ng pamilya, "Okay, magbibihis lang ako, Lance." Paalam ko dito. "Okay, take your time." Nakangiti niyang turan bago ako pumanhik ng hagdan. "Maupo ka muna." Sigaw ko bago tuluya