AKO NA ANG nagsabi kay Dame Lei na naririyan sa labas si Nona para kausapin siya. Nagulat naman sila ni Twinnie. "Para saan pa daw?" tanong ni Twinnie habang nakasandal sa headboard ng kama nila. "For closure daw sabi ni Dauvit." Ngumiwi naman si Twinnie. "Closure? Pagkatapos nang mga ginawa niya? Tinangka niya akong ipadukot kahit alam niyang buntis ako. Siguradong kasama na rin doon ang pagpatay para mawala ako ng tuluyan sa landas niya. Ganun siya ka-sama. Pagkatapos, binulag niya si Dauvit para hindi na siya kulitin. Tapos, gusto niya ngayon ng closure? Ganun na lang 'yon?" Hinaplos ni Dame Lei ang likod niya habang nakaupo sa tabi niya. Huminga ako ng malalim. "Nagkausap sila kanina ni Dauvit sa hospital. Nagtungo din doon si Nona. Humingi siya ng tawad at nagsisisi na raw siya.