"SWEETHEART, HEY... Wake up!" Naidilat kong bigla ang aking mga mata at si Dame Lei ang bumungad sa akin. Napabalikwas akong bigla. Habol ko ang aking paghinga at malakas ang t***k ng aking puso. "L-Love..." "Are you okay? Binabangungot ka na naman." Niyakap niya ako at hinagod-hagod ang likod. "Drink some water." Dinampot niya ang isang baso ng tubig mula sa bedside table at inalalayan akong makainom. Kahit papaano ay medyo gumaan naman ang pakiramdam ko. Muli na niyang binalik ang baso sa table at muling humarap sa akin. "Ano na naman bang panaginip mo? Kapareho pa rin ba ng dati?" Marahan akong tumango. Hindi ko rin alam kung bakit palagi akong dinadalaw ni Dauvit sa panaginip ko. Kung paano siya naaksidente noon sa kotse kasama si Nona. Dalawang linggo na ang nakalilipas simula