SUMAPIT na ang October. Tatlong araw na lamang ay kasal na namin ni Dame Lei, pero mauuna muna ang kanilang birthday ni Dauvit bago ang birthday ko at ang araw ng aming kasal. Naririto na kami ngayon sa kanilang mansion. Tatlong araw na akong nananatili dito. Samantalang sila Mama, Lola at kapatid ko ay sa mismong kaarawan pa ng kambal magtutungo dito. Maayos na ang lahat. Naghihintay na lamang kami sa pagsapit ng pinakahihintay naming araw. Kahapon ay katatapos lamang din ng pre-wedding photoshoot namin ni Dame Lei na ginanap sa batis sa golf course, kung saan niya ako inangkin noon. Maganda ang lugar na 'yon kaya sigurado akong maganda ang kalalabasan ng mga larawan namin. Habang papalapit ang araw ay halo-halo ang aking mga nararamdaman. Naririto ang kaba at excitement sa dibdib ko.