"Bakit nga ba mahal kita, kahit 'di pinapansin ang damdamin ko? 'Di mo man ako mahal, Ito pa rin ako, nagmamahal nang tapat sa 'yo... Bakit nga ba mahal—" "Inaantok ako sa kanta mo..." Napahinto ako sa pagkanta matapos niyang sabihin 'yon. Kasalukuyan ko ngayong pinakakain ng hapunan itong napakabait na si Dauvit, na sinasabayan ko ng mahinang pagkanta—'yong may halong lambing para ma-feel niya ang boses ko at hindi siya magreklamong masakit sa tainga. Tapos ngayon, inaantok naman daw siya. "Kaya nga hinihinaan ko na at nilalambingan, Sir, eh. Kasi sabi niyo kanina, masakit sa tainga ang boses ko." "Sa sobrang lambing, inaantok ako," parang inis naman niyang sagot. Natawa na lamang akong bigla. "What's so funny?" Napahinto naman akong muli. "Ang sungit niyo, Sir. Hindi naman kayo ga