Ces MABILIS lamang na sumapit ang araw ng Sabado. Umasa ako na ihahatid ako ni Dame Lei sa bahay namin sa Antipolo, ngunit sinabi niyang may urgent meeting daw sila ngayon. Kaya tatawag na lamang daw siya sa akin. Nagpaalam na rin muna ako sa pamilya at sa mga maid na naging kaibigan ko na rin. Hindi ko alam kung sa pagbabalik ko sa trabaho ay dito pa rin ba ako sa mansion papasok o sa opisina na. Wala pa kaming usapan ni Ate Damzel tungkol doon. Wala rin siyang sinabi kung hanggang kailan ang bakasyon niya. Huwag ko na lamang daw munang isipin 'yon sa ngayon dahil may ibang bagay kaming dapat na pagtuunan ng pansin ni Dame Lei ngayon, ang tungkol sa kasal namin. Ang mga gamit ko ay ipinalipat nang lahat ni Dame Lei sa room niya. Hindi na niya ako pinayagan na iuwi ang mga 'yon sa