HINDI PA rin ako makapaniwala habang nakatingin kay Felix ngayon. Siya. . . si Eleven? Kaya ba no’ng una akong nagpunta sa bahay niya, he was having doubt? What a coincidence! Nakatingin lang kami sa isa’t-isa na para bang kami lang ang mga tao sa Gerry’s Grill. Hindi pa rin nawawala ang kanyang ngisi sa labi. Kaya pala no’ng nagkita kami ni mama sa grocery no’ng hindi pa ako nakauwi, nagulat sila no’ng binanggit ko ang pangalan ni Felix? It all makes sense to me now. My mom cleared her thoat na ikinakurap ko. Doon ko lang napansin na nagpipigil na pala ako ng hininga. “Maiwan muna namin kayo.” Tumayo si mama at lumabas kasama ang mga magulang ni Felix pero bago ‘yon ay kinuha muna nila si Kylie. Para pa rin akong tuod na nakatayo roon. Tila hindi ko maigalaw