CHAPTER 6

1452 Words

MILLIE Shuta! Mukha akong zombie sa hitsura ko. Mugto ang mga mata ko at halata rin ang eye bags ko. Tapos magulo at sabog pa ang buhok ko na para ba akong nakipagsabunutan. Mukha akong bangag talaga. Ganyan ang hitsurang nakikita ko habang nakaharap sa salamin. Napapikit at napahilot ako sa sentido ko nang bahagyang kumirot iyon. Right. May hangover din pala ako dahil nagpakalunod na naman ako sa alak kagabi. This time, not because of my jerk ex-fiancé, but because of what my adoptive mother told me yesterday. Talagang dinibdib ko ang sinabi niyang iyon sa akin. Iyon bang ginawa ko naman ang lahat to be a good daughter to my family... Nagpakabait at nagpakabuti ako para hindi nila pagsisihan ang desisyong pagkuha sa akin... And to make them proud of me... Pero, kulang pa rin pala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD