CHAPTER 3

2316 Words
MILLIE Ang lapad ng ngiti ko habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Edson. Kung may makakakita lang siguro sa akin, baka naghuhugis-puso na rin ang mga mata ko. I was looking at my groom with so much happiness and love. Pumikit ako nang unti-unting bumaba ang mukha niya. We were about to kiss, just an inch away from each other's lips when someone shouted, interrupting our moment. "Itigil ang kasal!" Mabilis akong nagmulat ng mga mata at nilingon ang pinanggalingan ng tinig na iyon. And there, I saw Charrie, smiling wickedly at my direction. Bumalik ang tingin ko kay Edson nang maramdaman ang pagbitaw niya sa mga kamay ko. Ang kaninang mapagmahal niyang tingin at magandang ngiti sa akin ay biglang naglaho. It was then replaced by sympathy and regret. "I'm sorry, Millie. Si Charrie na ang mahal ko at hindi ko na kayang magpakasal pa sa 'yo." And just like that, Edson left me at the altar, walking away from me. Mabilis siyang lumapit kay Charrie at sabay pa ang mga itong naglakad palayo nang hindi lumilingon sa direkyon ko. Napako na lang ako sa kinatatayuan ko at hindi nakagalaw habang sinusundan ng tingin ang papalayong pigura ng mga ito. Nakita ko pa ang paglingon ng kapatid ko sa akin. Isang nakakalokong ngisi ang ibinigay niya. Then, Charrie put her right hand above her forehead, forming L-letter. "Loser," my sister mouthed at me. Sinubukan kong humabol sa mga ito. Sa bawat hakbang ng mga paa ko papalapit kay Edson ay doble naman ang hakbang niya papalayo sa akin. "Ed..." sambit ko, nagbabaka-sakaling marinig niya ako. Pero, hindi siya lumingon. "Ed!" sigaw ko na habang tumatakbo para habulin siya. Pero, pakiramdam ko ay mas lalo lang lumalaki ang distansiya namin sa isa’t-isa. "Edson!" Kasabay ng pagbalikwas ko ng bangon ay ang pagsigaw din sa pangalang iyon. Pawisan at habol ko ang hininga ko habang iginagala ang tingin sa paligid. I was in my room. And it was just a dream. Napahawak ako sa sentido ko at bahagyang hinilot iyon nang biglang kumirot sa sakit dahil sa hangover. Shuta. What a beautiful nightmare, sarkastikong bulong ko sa sarili ko nang maalala ang panaginip - ang masamang panaginip na iyon. Hindi ko rin napigilang mapait na ngumiti nang maalala ang last text sa akin ni Edson that day. At iyon din ang eksaktong sinabi ng lalaki sa bangungot kong iyon. How ironic. Muli kong iginala ang mga mata ko sa paligid. It’s not only me, but my whole room was a mess. Ang daming kalat. Ang wedding gown ko ay basta na lang nakabalandra sa sahig. Hindi ko pa iyon nalalabhan simula nang hubarin ko noong isang linggo. At sa loob ng isang linggo na iyon, wala akong ginawa kundi ang magkulong sa condo unit ko. I already watched our prenup video non-stop while crying and drowning myself in alcohol. Kahit nagpapakalunod ako sa alak... Shuta! Hindi pa rin natatanggal ang sakit. Hindi pa rin ako nakakalimot. Sariwa pa rin sa isip at puso ko ang hindi pagsipot ni Edson sa mismong araw ng kasal namin. Isang linggo na rin akong hindi pumapasok sa trabaho. Wala akong balita kung ano na ang nangyayari sa design team ko. I even refused to take calls related to work. Hindi ko rin sinasagot ang lahat ng tawag ng kaibigan at magulang ko. But, I made sure to let them know via text that I was still alive and breathing. Iyon nga lang, parang nawalan ako ng gana sa buhay. Parang nawalan ako ng dahilan para mabuhay. Kahit tinatamad, pilit akong bumangon at tumayo mula sa kama. Bitbit ang phone ko sa isang kamay, lumabas ako ng kuwarto. Halos magusot ang mukha ko nang manuot sa ilong ko ang amoy ng sala. Naghalo-halo na ang amoy ng alak at ibang nasirang pagkain. Ni ang ligpitin ang mga maruming kagamitan at ilang basura ay hindi ko magawa. Hinayaan kong nakakalat ang mga iyon sa buong unit. Baka nga naglungga na rin ang mga ipis at daga dito. Hindi rin kasi ako nagpapasok ng taong maglilinis dito sa unit ko. Ayaw ko ng istorbo sa pagpapakalunod ko sa sakit at alak. Dumeretso ako sa ref at binuksan iyon, halos wala ng laman. Naubos na ang maraming stocks ko ng pagkain. Isang malaking bote ng alak at isang pitcher na lang ng tubig ang natira. Akmang kukunin ko na ang pitcher nang biglang tumunog ang phone ko. Nang makita ang pangalan ng kaibigan ko ang nagpa-flash sa incoming call, sinarado ko muna ang pinto ng ref at sinagot ang tawag niya. Isang linggo ko na rin siyang hindi nakakausap. It was about time to talk to her. Baka importante rin ang sasabihin niya. "Nasaan ka, Li?" bungad ni Jean. "Nasa condo ko." "Nanonood ka ba ng TV?" "No." "'Wag kang manonood," mariing utos niya. "Why?" kunot-noong tanong ko. "Basta. 'Wag mong bubuksan ang TV mo. Kung ayaw mong tuluyang masira ang umaga mo lalo na ang buhay mo, 'wag mong bubuksan ang TV..." Kahit nasa kabilang linya pa ang kaibigan ko at mariin akong pinapaalalahanan na 'wag buksan ang TV, hindi ako nakinig. Binuksan ko pa rin iyon. At mukhang dapat nga akong nakinig kay Jean. Dahil ang nakakasurang pagmumukha lang naman ng kapatid ko ang bumungad sa akin. Charrie was in a TV show for a live interview, praising and congratulating her successful fashion show in Milan, Italy. Itinanong din sa babae ang tungkol sa hindi pagkakatuloy ng wedding namin ni Edson. And my plastic sister answered proudly, "They were not meant to be. Ed fell out of love with her and fell in love with me. And you know the saying 'all is fair in love and war', right? I hope Millie will move on soon and find her own happiness just like I found mine." Shuta talaga siya! At hindi lang iyon. Ipinakita rin ang ilang highlights sa naganap nitong fashion show. Ang pang-finale nito ay ang couple lingerie, sina Edson at Charrie mismo ang nagrampa ng mga iyon. "Li? Are you still there?" Hindi ko na nagawang sumagot pa sa kaibigan ko. Unti-unting bumagsak ang kamay ko sa gilid ko at tuluyang nabitawan ang hawak na phone. Nanghihina ako. Halos manikip ulit ang dibdib ko sa sobrang sakit at galit nang makita ang video highlights sa naganap na fashion show ni Charrie. Kahit gustung-gusto kong sumigaw at magwala, parang wala na rin akong lakas para gawin pa iyon. Pagod na ako. Pagod na pagod. Sa sobrang pagod ay parang hindi ko na magawang kumilos pa. Parang hindi ko na magawang magpakita ng inis at galit. One week. It was only one week when he left me. With just a fvcking text message. Pagkatapos ay ito pa ang bubungad sa akin? Oo, masakit sa akin na makita ang ex-fiancé ko na may kasamang ibang babae. At hindi lang basta ibang babae. Si Charrie iyon, ang itinuturing kong kapatid. I didn't care about my sister's success. Wala akong pakialam kahit malamangan pa niya ako sa kasikatan sa fashion industry. Ang hindi ko lang matanggap ay hindi niya sariling designs ang ipinagmamalaki at ibinabandera niya. Hindi naman ang pagsasama ng dalawa ang ikinasasama ng loob ko. Yes, that was one thing. Hindi naman ako bato para hindi makaramdam ng sakit at galit sa puso kung makita ang lalaking mahal ko na may kasamang ibang babae. Pero, ang labis ko talagang ikinaiinis at ikinagagalit ngayon ay ang mga lingerie na inirampa sa fashion show ni Charrie. Those were mine! It was all my designs, for Pete's sake! But, this plastic b***h was taking all the credit and praise! Siya ang pinupuri at lalong sumisikat dahil sa mga gawa ko! Shuta! Why? How did this happen? Paanong napunta kay Charrie ang mga designs na iyon? Inalala kong mabuti kung sino ang pinagkatiwalaan ko sa opisina. Then, bigla kong naalala si Josephine Bisinio, ang empleyado ko na pinagkatiwalaan ko ng mga design kong iyon. I laughed dryly when realization hit me. Shuta! Mukhang traydor ang gaga. Gaya ng kapatid ko, hindi lang ito ahas, magnanakaw pa ng mga bagay na hindi nito pag-aari. Mukhang planado ng kapatid ko ang lahat. Mula pa man noon, ramdam ko na ang inggit niya sa akin. "Listen to me and listen very carefully, Millie. I will take everything from you. Lahat-lahat. Kukunin ko ang lahat ng meron ka. Wala akong ititira. Tandaan mo 'yan." I never took it seriously before. Dahil hindi ako na-threaten. Akala ko ay isa lang sa childish acts niya iyon nang sabihin niya ang mga salitang iyon. Nagpakampante ako. Pero, mukhang seryoso nga talaga si Charrie. Mukhang goal nga niyang kunin ang lahat-lahat na meron ako. And she succeeded. Charrie stole most of my designs. Maraming instances din na pinagmukha akong masama at siya naman ang api at kawawa sa harap ng mga magulang namin kaya nasa babae ang simpatiya ng mga ito. And then, Edson. Charrie stole him away from me. Nagawa niyang akitin at agawin sa akin ang lalaking mahal ko nang walang kamalay-malay. Ngayon ay naiintindihan ko na ang palaging excuses noon sa akin ni Edson kapag hindi ito nakakasipot o naka-cancel ang mga lakad namin. Maybe it has something to do with Charrie - no. I was damn sure it was definitely my sister. Shuta. How pathetic. And how foolish of me. ~~~ Gabi na nang bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sofa. Nakatulog ako sa sobrang sakit at sama ng loob. Suot ko pa rin ang pantulog simula pa kahapon. At dalawang araw na akong walang ligo. And I didn't care. Besides, bukod sa best friend ko, wala ng ibang may paki pa sa akin. Nagsuot lang ako ng cardigan at kinuha ang malaking bote ng alak sa ref bago lumabas ng unit. Sumakay ako sa elevator para magtungo sa rooftop. Pagdating doon, nakatayo lang ako at tinanaw ang city lights. Ipinatong ko ang hawak na bote sa parapet. Nang hindi ako makontento sa pagtayo lang, nagpasya akong umupo na rin sa parapet. Malapad naman iyon at hindi ako takot sa heights. Nang makapuwesto ng upo, binuksan ko ang alak at tumungga roon bago muling tumanaw sa city lights. This place was my safe haven. Kapag nalulungkot, nasasaktan at gusto kong umiyak, dito ako pumupunta sa rooftop ng condo building at mauupo sa parapet habang tumatanaw sa city lights. Medyo nakakaramdam naman ako ng kapayapaan at katahimikan. Nakailang minuto na rin ako roon at nakailang tungga na rin sa bote nang muling sumagi sa isip ko ang huling eksena ng kapatid at ng ex-fiancé ko sa fashion show. Edson is a popular fashion model. Sa mga male designs ko, siya ang palagi kong model. At naging routine na namin noon na siya ang pang-finale sa fashion runway bago ako aakyat ng stage para sa pagpapakilala sa akin. Mapait akong ngumiti at pinunasan ng likod ng palad ang luhang naglandas sa pisngi ko bago muling tumungga sa bote. Mukhang malabo ng mangyari pa iyon. May ibang babae na siyang kasama. May ibang babae na ang tatayo sa tabi niya. At mga designs na ng babaeng iyon ang imo-model niya. Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa sarili ko kung ako ba ang may mali. Ako ba ang nagkulang kaya naghanap ng iba si Edson? Was it really me why he fell out of love with me? Clingy ba ako? O kulang sa sweetness? Ang dami kong tanong. At gusto kong kausapin si Edson nang harapan, pero hanggang ngayon ay hindi siya tumatawag o nagte-text man lang para magkausap kami. I want an explanation from him. And he owes me that. Pero, hindi siya nagpaparamdam. Hindi ko siya mahagilap. Should I already give up on him? Hahayaan ko na lang bang maging masaya ang dalawang taong nagtraydor sa akin habang ako ay miserable at nagdurusa? Should I really give up without a fight? Bahagya akong tumingin sa ibaba ng condo building. Thirty floors din naman ang taas nito. Tumalon na lang kaya ako para tapos na ang lahat? Hindi ko na alam kung gaano ako katagal nakaupo sa parapet. Nang masaid ko ang laman ng bote at wala na ni isang patak ang lumalabas doon, ipinatong ko iyon sa tabi ko. Tatayo na sana ako mula sa kinauupuan ko para bumaba roon nang bigla na lang umangat ang katawan ko dahilan para mapatili ako nang malakas. In one swift movement, my feet were touching the ground while the two strong arms were wrapped around my body. "What the hell are you doing? Magpapakamatay ka ba?" tinig ng isang lalaki. He sounded annoyed and angry, yet I still find his voice so deep and sexy. Nakatalikod ako, pero ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa lalaking nakahawak pa rin sa baywang ko at hindi ako binibitiwan. "Don't you dare to kill yourself, woman. Ayokong mabiyudo nang maaga." Hindi ko na napigilan na hindi lingunin ang nagsalitang iyon. And I wasn't prepared when I met the stranger's eyes. He had the most beautiful eyes I had ever seen. Hindi lang ako sigurado kung dala lang ba ng alak o talagang nagagandahan ako sa mga mata niya. O baka naman ang malamlam na ilaw sa rooftop pati na rin ang city lights at isama na rin ang liwanag ng buwan ang nakadagdag para ma-amaze ako sa mga mata niya. And this guy was staring at me, too. Too much and intense. Bago pa ako tuluyang malunod sa mga titig niya, bahagyang nagsalubong ang kilay ko nang maalala ang sinabi niya. Ano ngang sinasabi ng lalaking ito? Ayaw niyang mabiyudo nang maaga? Okay? Ano naman ang kinalaman ko roon? "Sino ka?" wala sa sariling sambit ko habang nakatitig pa rin ako sa mukha niya. Ilang sandali rin siyang nakatingin lang sa akin bago nagsalita. "I'm your husband." Natigilan ako. Mariing pinoproseso ng utak ko ang sinabi niya. "And you're my wife," he added. Shuta! Ano raw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD