MILLIE "You are a disgrace to my family." Shuta, ang sakit! Paulit-ulit pa iyong nag-echo sa pandinig ko. Mas mabuti pa yatang sinampal na lang ako ni Papa Maximo physically. Dahil mas masakit pa ang isinampal niya sa akin emotionally. Emotional damage talaga, shuta! Ang lalaking inaasahan kong magtatanggol sa akin, hayun at ang ahas kong kapatid ang inaalo at dinadamayan. Ang kapatid ko na nakasandal sa dibdib ni Edson at may nakatagong malademonyong ngiti sa mga labi habang may pekeng luha sa mga mata. Kapatid... mapait kong bigkas sa isip ko. I don't even know if I could still call her my sister. If I still have the right to call my adoptive parents as my parents anymore. Dahil malinaw na pinaalala sa akin kung sino ako. Kung ano ako sa buhay nila. Galing bahay-ampunan. A big