MILLIE Nangibabaw ang matinis na tili ni Jean bago siya lamunin ng tubig sa pool nang bumagsak mula sa mahabang slide. "Pucha ka talaga, Elias!" sigaw at mura ni Jean sa lalaki pagkaahon sa tubig at bahagya pang inubo. "Bumaba ka rito at lulunurin kitang hayop ka!" Galit na galit si Jean dahil hindi pa man siya ready sa pag-slide ay itinulak na siya ni Eli. Tumawa lang nang malakas si Eli bilang sagot bago nagpadausdos na rin sa slide. Ang lakas lang mang-asar sa kaibigan ko. Walang duda. Mukhang badboy at bully nga talaga ang lalaki. Hindi pa man nakakaahon si Eli, napatili na naman si Jean - na mabilis ding naputol. Mukhang hinila pa nito sa paa ang kaibigan ko kaya nawalan ng balanse at lumubog sa tubig. Mukhang gumaganti rin si Jean sa lalaki at plano nga yatang lunurin ito dahi