Senior POV. Dahil sa mahigpit na siguridad ng bansa ay hindi ako gumamit ng land base sa pagtakas matapos akong ihatid ng mga tauhang kasama ko sa dito sa Tagaytay. Alam ko na sa mga oras na ito ay alam na ng lahat ang pagtakas na ginawa ko lalo pa at nawawala din ang babaeng ngayon ay mahimbing pa rin natutulog matapos na maturukan ko ng tranquilizer para manatiling tulog ito. Naghihintay ako mg chopper na maghahatid sa akin sa batanes at mula doon ay tatakas ako papuntang Malaysia. Masyado nila akong na-underestimate. Ito ang sinasabi ng mga matanda na papunta ka pa lang ay pabalik na ako. Kahit sabihin na matalino ang mga ito wala sila kumpara sa takbo ng utak ko. Advance ako mag-isip at malinis ang plano ko. Hindi nagtagal at lumapag ang chopper na pag-aari ng triad. Syempre pa g