Margareth POV "Love bakit narito ka pa, hindi ka ba nilalamig?" tanong ni Marco na tumabi sa akin. Nakaupo kasi ako sa pinakahuling baitang ng hagdan habang nakababad ang paa ko sa tubig kung saan malinaw na nakikita ko ang repleksyon ko dahil sa liwanag ng bilog na buwan. Napakalinaw kasi ng tubig dito sa lawa kaya para akong nananalamin habang nakatitig sa paa ko na may ilang isda ang lumalapit dahil marahil ay curious kung ano ako. "Hindi naman ayos lang ako, isa pa namiss ko manatili dito. Alam mo naman na ito ang pinaka-paborito kong spot dito sa packland," sagot ko. Sumandig ako sa balikat ng alpha ko dahil ang sarap sa pakiramdam na yakap niya ako gaya nito. "I miss you," malambing na sagot ko. Naiwan kasi ako dito kanina dahil may mahalagang bagay umano siyang kailangan g