Margareth POV. Hindi ko alam kung paano ako nakarating ng ganun kabilis sa hospital. Baliwala sa akin na habol hininga ako na pumasok sa loob ng kwarto na kinalalagyan ni Marco. Nadatnan ko itong kausap ang doctor kasama sila Mommy Helen at Jean. Saka ko lang napansin si Kim mula sa sulok ng igala ko ang paningin. "Marco…" tawag ko dito saka mabilis na sinugod ng mahigpit na yakap. "I missed you so much," madamdaming saad ko habang tumutulo ang luha. Puno kasi ako ng samu't saring emosyon na sa wakas ay gising na ito at totoong ligtas na ito malayo sa itsura ng lalaking idineklara na wala ng buhay an hour ago. Hindi ko mapigilan ang sarili, siguro dahil na rin sa relief. Relief dahil gising at buhay siya. Relief na alam kong hindi niya ako iiwan. Relief na alam ko na makakasama k