Marco POV. Dalawang linggo na ang lumipas pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong makuha na kahit anong impormasyon na nagtuturo kung nasaan ito. Ginamit ko na ang lahat ng koneksyon ko gamit ang pera at maging ang mga kilala ko pero walang nakakaalam kung nasaan ang asawa ko. Walang araw na hindi ako nag-aalala sa kalagayan nito lalo pa at alam ko na sugatan ito ng huling malaman ko ang status ni Margareth ng puntahan ko ang lugar kung saan dinala ito ng lintik na heneral na dumukot sa kan'ya. Binalikan ko ang lugar matapos hindi ko maabutan si Margareth pati ang mga taong sinasabi na kumuha dito. Pero wala rin akong nakuhang kahit ano na makapagturo kung nasaan ito. Wala rin ang nasabing general sa lugar ng balikan namin. Mukhang nakatakas ito o kaya naman ay kinuha ito ng mga t