Marco POV Kasama ang grupo ng mga tauhan ko ay walang pag-aatubili na pinasok ko ang ahensya na pinapasukan ni Margareth. Masasabi ko na mahigpit talaga ang seguridad sa lugar na ito dahil agad na tumunog ang alarm ng pumasok kami matapos marahil na-detect nito ang mataas na kalibre ng baril na dala ng grupo namin. Wala akong pakialam na naglakad sa loob papunta sa information desk pero bago pa kami makarating doon ay ilang mga nakaitim na lalaki ang humarang sa amin at tinanong ako kung anong kailangan ko. Kilala ko ang isa sa mga ito, siya ang lalaking humarap sa aking ng unang beses na pumasok ako rito at hinanap ang tinatawag ni Margareth na Sir Conor. "Anong kailangan mo at bakit narito ka kasama ang napakaraming mga tauhan mo Mr. Smith?" matigas na tanong nito ng humarang sa d