Chapter 16
"Sasama ka ba o hindi?"
Nilingon ni Angela ang kanyang pinsan na si Maylene habang nagkakape siya sa kusina ng kanilang boarding house
Saglit niyang pinasadahan ng tingin ang itsura nito sa umagang iyon
Nakasuot ito ng isang pormal na kulay asul na blusa at tinernohan nito iyon ng isang paldang kulay itim na hapit na hapit sa mga bilugang hita nito
Halatang pinaghandaan talaga nito ang araw na iyon dahil final interview na nito ngayon sa kumpanya ni Rohan.
Dalawang buwan na ang mabilis na nagdaan simula ng huli silang magkaharap ni Rohan. Dalawang buwan na itong hindi nagpaparamdam sakanya
"Hindi ako mag-aapply Maylene" Walang ganang sabi niya bago siya humigop muli ng mainit init pang kape niya
"Sigurado ka? Sinabi naman sakin ni Rohan, Tatlong posisyon ang bakante ngayon sa kumpanya niya. Dalawa lang kami ni Gladys ang mag-apply. Sumama kana para tatlo tayong magkaroon ng magandang trabaho kahit high school graduate lang tayo. Kalimutan mo muna ang pride mo o kung ano mang nangyari sainyo ni Rohan noon."
Umiling siya
"A-Ayos lang Maylene. Kawawa naman kasi ang bakeshop kung pati ako'y magreresign rin"
Nagkibit balikat nalang ang kanyang pinsan at parang ito pa ang nanghihinayang sa oportunidad na pinalalagpas niya
"Trabahong maganda na nga ang lumalapit satin tatangihan mo pa. Bahala ka kung kasya na saiyo ang sinasahod mo sa bakeshop, pero ako hindi. Kailangan ng pamilya mo ng pera kaya mas mabuti pa maligo kana at sumama samin ni Gladys"
"A-Ayoko Maylene." Tangi niya
Hindi pa siya handang makita muli si Rohan dahil mas tumitindi ang damdamin niya para sa binata nitong nagdaang mga araw.
Samantalang ang relasyon naman niya kay Rowan ay parang unti unti na siyang nawawalan ng pag-asa. Madalas kasi ay nararamdaman niya nais lang nitong ikama siya. Isang beses pa nga ay niyaya siya nitong mag motel o mag hotel daw sila ngunit tumangi siya. Hindi na siya muling nagpahalik kay Rowan at sinabi niyang sa araw ng kanilang kasal nalang siya muling magpapahalik dito.
Tila nawalan ito ng gana sakanya kaya minsan lang rin ito dumalaw sakanya.
Mabuti na iyon dahil sa tuwing nakikita niya si Rowan ay mas nangungulila siya kay Rohan.
"Huwag ka ng maarte. Tara na" Hinihila na ni Maylene ang kanyang braso
"N-Nahihiya ako kay Rohan Maylene. Baka kayo lang ang tangapin niya sa trabaho--"
"Paano mo malalaman kung hindi ka mag-apply? May feelings ka paba kay Rohan kaya ka nagkakaganyan?" Nakataas na kilay na tanong ni Maylene sakanya
Agad siyang nag-iwas ng tingin sa kanyang pinsan dahil sa takot na mabuko nito ang tunay na damdamin niya
"W-Wala na ah. Nahihiya lang ako--"
"Hindi ka yayaman sa hiya hiya na yan. Tara na! Alam mo bang tumataginting na kwarenta mil ang sahod natin buwan buwan kumpara sa dose mil na sinasahod mo sa bakeshop ngayon?"
Napalunok siya
Tunay na kaaya-ayang mag apply ng trabaho sa kumpanya ni Rohan lalo na't nakita na niya kung gaano kaganda ang gusaling pagtatrabahuhan nila
"Libre pa ang condo na titirahan natin at may service shuttle daw tayo mula sa opisina hangang sa condo kung sakaling tayo ang makakuha ng posisyon na iyon"
Nag-niningning sa kasabikan ang mga mata ni Maylene ng sabihin nito ang mga benepisyo ng kumpanyan ni Rohan sakanya
"A-Anong posisyon ba ang bakante ngayon sa kumpanya niya?"
"Encoders lang ng mga orders. Ituturo naman daw satin ang SAP system ng computer sa loob ng isang buwan na training natin kaya matututunan naman natin ang trabaho na ipapagawa satin. Pasalamat nalang tayo at nakasalubong ko si Rohan noong isang linggo sa BGC."
Nakasalubong kasi nito si Rohan sa BGC kung saan nakatira ang amo nilang chinese. May iniutos kasi kay Maylene kaya't napadpad doon ang pinsan niya. Dinala si Maylene ng amo nilang chinese sa isang restaurant kasama ang misis nito. Galante talaga ang mga amo nila kaya sanay na silang magpalibre sa mga ito. Eksakto namang nakasalubong nito si Rohan sa isang mall. Ang balita pa nga sakanya ni Maylene ay may kasama raw itong isang matangkad at sexy na babae. Walang wala raw siya kung ikukumpara sa kagandahan ng babaeng kasama nito.
Binalewala niya lang iyon ngunit ilang gabi na siyang hindi makatulog ng maayos kakaisip kung sino ang babaeng kasama ni Rohan. May nobya na ba ito?
Natuwa ang pinsan niya dahil inalok daw ito ni Rohan ng trabaho. Tatlong posisyon daw ang bakante sa kumpanya nito. Kaya't heto ngayon ang pinsan niya at kinukulit siyang mag apply rin ng trabaho sa kumpanya ni Rohan
"K-Kapag sumama ba ako hindi ba nakakahiya Maylene?"
"Bakit ka naman mahihiya? Hindi ba't future sister in law ka naman niya?" Pang aasar pa ni Maylene sakanya
"Maylene naman eh. Siyempre pinagtulakan ko siya noon--"
"Ikaw kasi eh. Pipili ka nalang ng lalake yung kalahating demonyo at kalahating abnormal pa ang napili mo"
Saglit siyang natawa sa sinabi ng pinsan niya. Hangang ngayon kasi ay hindi talaga nito makasundo si Rowan samantalang feeling close ito kay Rohan.
"Grabe ka naman kay Rowan. Magbabago rin iyon--"
"Isang daang libong beses mo ng sinasabing magbabago yang fiance kuno mo. Tignan mo nga hindi ka man lang maalok ng magandang trabaho? Hindi ka man lang tinutulungan sa financial problem niyo ng pamilya mo? Samantalang si Rohan kahit hindi ka humingi panigurado magbibigay yon."
"Hindi ko naman kailangan ng sugar daddy Maylene."
"Ewan ko sayo. Ano sasama ka ba o hindi?"
Saglit siyang nag-isip. Kung papairalin niya ang kanyang pride at kahihiyan ay baka hindi nga siya magkaroon ng susunod pang oportunidad na kasing laki nito
"Sige maliligo lang ako. Pahiramin mo ako ng pormal na damit dahil wala akong ganyan"
Napalapad ang ngiti ng pinsan niya
"Sure! Bilisan mo lang dahil nakakahiya kung maleleyt pa tayo!" Excited nitong sabi sakanya bago siya tumakbo papunta sa kanyang silid
Mabilis siyang naligo at nagsipilyo. Hindi niya maamin sa kanyang sarili na Sabik na sabik na siyang makita si Rohan muli. Pilit niyang sinasabi sa sarili niya na trabaho lamang ang ipupunta niya sa kumpanya ng binata at hindi dahil gusto niya itong makita muli
Pinahiram siya ni Maylene ng isang baby pink formal blouse at ng isang pencil cut na paldang kulay itim. Pinahiram naman siya ni Gladys ng black shoes nitong may tatlong pulgadang takong na babagay sa suot niya.
Kahit masakit sa paa ang sapatos na iyon ay pinilit parin siya ng mga ito na iyon ang iterno niya sa kanyang pormal na damit upang kahit papaano ay magmukha silang mga office girl. Nilagyan rin siya ng light makeup ng mga ito.
Si Gladys ang nagbayad ng taxi dahil ayaw daw nitong mastress sila sa pag comute sa jeep. Kailangan daw na fresh sila kapag humarap sila sa taong mag iinterview sakanila
Nang makababa sila Angela sa tapat ng gusaling pagmamay-ari ni Rohan ay binundol ng kaba ang puso niya. Napakabilis ng pagtibok niyon na para bang lalabas na mula sa dibdib niya
"This is it girls! Ito na ang simula ng career natin!" Excited na sambit ni Maylene habang nakatingala silang tatlo sa napakalaking gusaling iyon
"Napakaganda naman pala ng pagtatrabahuhan natin!" Napapatulalang sabi naman ni Gladys
Si Gladys ay isa rin sa mga boarding mates nilang dalawa ni Maylene.
"Let's go girls!"
Lalo kinabahan si Angela ng sabay sabay silang pumasok sa loob ng revolving door na nasa bandang gitna ng gusali.
"Pintuan palang sosyal na!" Hindi mapigilang bulalas ni Gladys dahil first time ata nitong gumamit ng revolving door
"Shh huwag kang maingay masyado mapaghahalataan tayong mga ignorante ano ka ba?" Sita ni Maylene dito kaya napangiwi nalang ito
Lalapitan sana sila ng guardiya ng mapansin sila nito. Ngunit nakilala yata nito ang mukha niya kayat ngumiti lamang ito sakanila.