Chapter 36 Napapasayaw pa si Hanna habang sabay sabay silang kumakain ng biniling jolibee food ni Rohan para sakanilang tatlo. Tuwang tuwa ang anak niya dahil paborito talaga nito ang pagkain na iyon. Napapangiti naman silang dalawa ni Rohan dahil sa pagkabibo ng kanilang anak Kasalukuyan silang nasa isang high class condo unit ni Rohan. Fully furnished na ang condo unit na iyon kahit kakabili lang daw nito ng condo kagabi Sinadya talaga nitong bumili ng condo unit malapit lamang sa lugar nila upang madalas daw nitong madadalaw ang anak Maganda at malinis ang loob ng condo unit nito ngunit narumihan agad iyon ni Hanna. Panay kasi ang talon nito sa kulay puting sofa ni Rohan habang ang kamay nito ay punong puno ng spagetti sauce. Sinasaway niya ang anak dahil nahihiya siya kay Rohan ng

