Chapter 24 "Hey, wake up babe.." Mahinang yugyog sa kanyang balikat ang nagpagising kay Angela. Nakatulog siya marahil habang nasa biyahe sila ni Rohan patungo kung saan man siya nais dalhin nito Dahan dahan siyang nag mulat ng kanyang mata Nakalapag na pala ang sinasakyan nilang private helicopter nito. Medyo nagulat pa nga siya kagabi nang sabihin nitong gagamitin nila ang pribado nitong sasakyang pang himpapawid. Ito rin mismo ang nagpalipad ng helicopter na iyon "Sorry nakatulog pala ako" Agad niyang inayos ang kanyang buhok bago siya ngumiti kay Rohan dahil nakakahawa ang magandang ngiti na ibinibigay nito sakanya kahit pa halatang inaantok na rin ito dahil sa pagod "Good morning babe. Nandito na tayo. Ituloy mo nalang ang tulog sa loob ng magiging bahay natin" Sabi nito Hindi

