Chapter 40 Pilyang napapangiti si Angela ng makita niya si Rohan na nakatalikod habang naghuhugas ito ng mga pinagkainan nila kanina Tinawag kasi siya saglit ng tita niya dahil hinahanap daw siya nang kanyang anak. Kaya naman pumunta muna siya sa kanilang kwarto at iniwan niya muna si Rohan sa kwarto nito. Sinabihan niya itong sasaglit lang siya sa kanilang anak at dadalhin niya doon si Hanna. Ngunit nagbago ang isip niyang dalhin ang anak niya pabalik sa kwarto ni Rohan dahil nais niya munang masolo si Rohan. Mabuti nalang at naunawaan siya ng tita niya at mapanukso pa nitong biniro siya na sundan na daw nila si Hanna Kaya naman bago siya bumalik sa kwarto ni Rohan ay talagang naligo na muna siya at nagtoothbrush ng husto upang hindi naman mangamoy tilapya ang bibig niya Napakagat l

