Chapter 22 Hinaplos ni Rohan ang kanyang pisngi "Tell me, Ako na ba ang gusto mo o siya parin?" Halos mabinge siya sa lakas ng pag pintig ng kanyang puso habang itinatanong iyon ni Rohan sakanya Lalo pang nagwala ang kanyang puso ng salubungin nito ng isang masuyong pagtitig ang kanyang mga mata habang hinihintay nito ang kanyang isasagot "Answer me.. Gusto mo na ba ako?" Tanong muli ni Rohan dahil ilang segundo na siyang hindi makasagot sa tanong nito Napalunok siya ng lumapit pa ng husto si Rohan sakanya. Dahil matangkad ito ay halos mapasubsob siya sa dibdib nito habang nakatingala siya upang salubungin ang mga mata nitong masuyong naghihintay ng kanyang isasagot May lusot pa ba siya sa pagkakataon na ito? Kung sa mga mata pa lang niya ay paniguradong nakikita na nito ang

