Chapter 19
"You what?" Kunot nuong tanong ni Rowan sakanya ng sabihin niya dito na nag-apply sila ng trabaho sa kumpanya ng kakambal nito
"N-Nag apply kami sa Hanro Corporation. Natangap kami at bukas na kami magsisimula--"
"You're unbelivable! Bakit ka magtatrabaho sa kapatid ko? Bakit ngayon mo lang sinasabi sakin?"
"Shhh. Hinaan mo ang boses mo Rowan. Natutulog na ang mga kasama ko" Sita niya kay Rowan dahil napapalakas ang pagsasalita nito. Kulang nalang ay sigawan siya nito
"Gusto mo pala ng bagong trabaho sana sinasbi mo sakin--"
"Alam mo naman ang sitwasyon ng pamilya ko. Mahirap lang kami at kapag may oportunidad na maganda ay talagang susungaban ko iyon. Hindi ko na nasabi saiyo dahil biglaan lang rin ang naging desisyon ko kaninang umaga"
"I can't believe it. Isang araw lang tangap na agad kayo? Anong posisyon niyo? Taga linis? Taga luto? Hindi naman kayo nakatapos ng pag-aaral hindi ba? Bakit natangap agad kayo?"
Napalunok siya dahil nasaktan siya sa pang-iinsulto ni Rowan sa kanilang tatlo.
"Hindi ko rin alam. Ang mahalaga natangap kami--"
"Really? O baka naman may namamagitan sainyo ni Rohan? Tell me anong nangyari sainyo nung wala ako?"
"W-Wala!" Tangi niya kahit halos takasan na siya ng dugo sa buong mukha niya sa sobrang takot niya kay Rowan
"Malaman ko lang na may namamagitan sainyo--"
"Rowan tumigil kana. May nobya si Rohan kaya impossible yang sinasabi mo"
Tumahimik naman ito ng maramdaman nitong tumaas na rin ang kanyang boses
Huminga ito ng malalim bago nito hinapit ang kanyang bewang
"Sorry. Nagseselos lang naman ako. Nagulat kasi ako dahil doon kana magtatrabaho sa kapatid ko" Paglalambing ni Rowan sakanya na mas lalo lamang niyang ikinainis
"Umuwi kana. Maaga pa ang pasok ko bukas."
"Can i get a good night kiss?"
"Rowan diba sinabi ko na sayo na sa araw na ng kasal natin ako magpapahalik sayo--"
Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil sinakop na ni Rowan ang kanyang mga labi.
Hindi siya nakatangi dahil mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang katawan.
Nagpupumiglas siya ngunit hindi nito hinayaan na makawala siya.
Mabango ang hininga nito at masarap rin itong humalik ngunit hindi niya gustong magpahalik dito.
Kahit anong pigil niya kay Rowan ay hindi talaga ito nagpapigil. Mas nilaliman pa nito ang paghalik sakanya. Hindi na siya tumutol at hinayaan nalang niya ito. Ngunit hindi rin siya tumugon.
Nangmakontento na ito sa ginagawang paghalik sakanya ay ngumisi ito.
"See? pwede naman pala kitang halikan eh"
Pinigilan niyang magalit kahit nagpupuyos ang kanyang damdamin
ROHAN POV
"Damn it" Napamura si Rohan ng maabutan niyang naghahalikan sa mismong tapat ng boarding house nila Angela ang kapatid niyang si Rowan at ang nobya nitong si Angela
Parang gusto niyang bumaba sa kanyang kotse at paulanan ng suntok ang kapatid niya
Ngunit may karapatan ba siya?
Naikuyom nalang niya ang kanyang mga kamay. Bago siya nagmaneho palayo sa mga ito. Halos paliparin niya ang kanyang sasakyan sa selos na kanyang nararamdaman
Dalawang buwan simula ng piliin ni Angela ang kapatid niya. Dalawang buwan na rin siyang nangungulila sa dalaga. Napakahirap magkagusto sa babaeng pagmamay-ari na ng iba. And worst sa kakambal niya pa.
Napagdesesyonan ni Rohan na lunurin nanaman sa alak ang kanyang atay. Magpapakalasing nanaman siya katulad noong gabing pinagtabuyan siya ng dalaga
Handa naman siyang harapin ang kapatid niya kung sakaling siya ang pipiliin ni Angela. Sa tingin niya ay mauunawaan siya ni Rowan dahil hindi naman ito seryoso sa dalaga.
Pumunta siya sa boarding house nito dahil hindi siya makatulog ngayong gabi. Nang makita niya itong muli kaninang umaga sa kanyang kumpanya ay hindi na ito muli nawala sa kanyang isipan.
He wants to hug her so bad.
Hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili kaya't namalayan nalang niyang nasa harap na siya ng boarding house nito habang nakikita itong nakikipag halikan sa kapatid niya
Ngayon lamang niya naranasan ang ganito. Para siyang sinasaksak sa puso ng nag iisang babaeng nagpatibok ng kakaiba sa puso niya
Kinabukasan ay mainit ang kanyang ulo. May kaunting hang-over rin siya dahil nagpakalasing siya kagabi.
Nang makita niya si Angela at ang dalawang babaeng kasama nito sa training room ay lalong kumulo ang dugo niya. Naalala niya kasi ang pakikipaghalikan nito sa kapatid niya kagabi
Daig niya pa ang asawa na nagseselos ng husto sa nararamdaman niya.
Nakatayo lamang siya sa labas ng training room. Salamin ang mga pader kaya nakikita niya ang mga ito at panigurado nakikita rin siya ng mga ito. Daraan lang sana siya doon dahil doon ang daan patungo sa kanyang private office room
Napatingin sakanya ang dalaga at saglit na nagkatitigan sila. Marahil napapansin nito ang masamang tingin niya. Nauna itong nagbawi ng tingin.
Napa-igting ang kanyang panga. Hangang kailan siya babalewalain ng dalaga?
Nagpunta siya sa kanyang private office. Pinipilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili ngunit si Angela lamang ang tumatakbo sa isip niya
Nang di na niya makayanan pa, Pinatawag niya ito sa kanyang sekretarya.
"Tell Ms.Rodrigez i need her in my office now" Utos niya kay Mrs.Flores. Agad naman nitong sinunod ang utos niya
Maya maya pa ay kumakatok na sa kanyang pintuan ang babaeng gumugulo sakanyang systema
"Come in" Aniya
Nakayuko itong pumasok ng kanyang opisina bago ito nagsalita.
"P-Pinapatawag niyo daw po ako sir"
"Yeah. Come here" pagpapalapit niya sa dalaga
Nararamdaman niyang nahihiya itong lumapit sakanya ngunit dahan dahan rin itong naglakad palapit sa kanyang office table.
Nakaupo siya sa kanyang lamesa habang nakatingin siya dito.
"I miss you Angela" Wala ng paligoy ligoy pang pag-amin niya sa kanyang nararamdaman
Agad itong napatingin sakanya habang namumula ang dalawang pisngi nito.
Is she blushing?
"P-Po?" Maang-maangan nitong sagot
"Drop the formality. Tayong dalawa lang ang nasa room ko."
Masuyong hinawakan niya ang kamay ni Angela at nagpapasalamat siya dahil hindi man lang ito tumutol sa kanyang ginawa
Bahagya niyang pinisil ang kamay nito
"S-Sir"
"Stop calling me sir."
Napalunok ito ng hapitin niya ang bewang nito.
"I really miss you Angela" Wala na siyang sinayang pa na pagkakataon. He grab her lips and claim it.
Nagulat pa siya ng tumugon agad ito sa halik niya.
Halos mapaungol siya dahil para bang namiss rin nito ang kanyang mga halik.
"Angela.." He moaned
Hapit hapit niya ang balingkinitan nitong katawan. Sobrang sarap nitong yakapin habang hinahalikan niya ito ng ganoon
Ikinawit ni Angela ang dalawang kamay nito sa kanyang batok habang nakikipaglaplapan ito sakanya
Nagtataka siya dahil bumigay agad ito sa kanyang halik. Inaasahan pa naman niyang itutulak siya nito. Ngunit hindi. Mas sabik na sabik pa itong humahalik ngayon sakanya kaya halos mapaungol siya ng sunod sunod
"Rohan.. Uhmm" Hinihingal na ungol ni Angela sa pagitan ng paghahalikan nilang dalawa
"Oh..Uhmm" Ungol rin niya habang kinakagat kagat pa niya ng kaunti ang ibabang labi nito
Isang katok sa pintuan ang nagpatigil sa ginagawa nilang paghahalikan. Agad itong lumayo sakanya at inayos nito ang sariling buhok
Nabitin siya sa paghahalikan na pinagsaluhan nilang dalawa ng dalaga. Ngunit ng marinig niya ang boses ng kanyang ama ay umayos na rin siya ng tayo.
"Anak?"
"C-Come in dad"
Nakita niyang namilog ang mata ni Angela dahil kinabahan siguro ito ng husto.
Pumasok naman agad ang daddy niya sa loob ng kanyang private office room. Nakayuko naman si Angela na nagpaalam bigla sakanila. Para bang itinatago pa ito ang mukha nito sa kanyang ama
"Mauna na po ako sainyo sir" Mabilis itong lumabas ng kanyang opisina
Nagtataka naman ang daddy niya at napangiti ito.
"Mukhang may ginagawa kayo anak ah? Nakaistorbo ba ako?" Nakangising tanong ng kanyang daddy
Tumawa lamang siya at pasimpleng sinuklay ang kanyang buhok.
That was intense kiss.
Hindi niya inaasahan na makikipaghalikan ng ganoon sakanya si Angela.
"Wala dad. May inuutos lang ako sakanya" Palusot niya
"Oh okay? Maganda ba siya? Hindi ko nakita ang mukha dahil nakayuko eh" Pakamot kamot pa sa ulong sabi ng kanyang ama
Tumawa nalang siya. Mabuti naman at hindi nito namukhaan si Angela.
"She's the prettiest"
Sabay silang napangisi ng kanyang ama.
"Mabuti naman at may nobya kana rin. Pareho kayo ng kapatid mo lalagay na sa tahimik."
Nawala ang kanyang ngiti sa sinabi ng kanyang daddy.
"What do you mean dad?" Kunot nuong tanong niya
"Kaya nga ako nandito para sabihin sayo. Mamayang gabi dumaan ka sa mansiyon. Ipapakilala na daw ni Rowan ang babaeng papakasalan niya samin ng mama mo. Kailangan kumpleto tayo kaya sabihan mo rin si Ramona"
Napakuyom ang kanyang mga kamay.
Hindi maari.
Hindi siya makakapayag na magpakasal ang babaeng napupusuan niya sa kanyang kapatid. Hindi niya kakayanin iyon.
Lalo pa't napakababaero ng kapatid niya!
"Aasahan namin kayo ni Ramona mamayang gabi sa mansyon. Excited na nga ang mommy mo dahil baka ito na daw ang simula ng pagbabago ni Rowan"