Chapter 26 Masayang naghahapunan si Angela at Rohan kasalo nila ang dalawang kasambahay ng bahay bakasyunan na iyon. Maraming putahe ang niluto ng mga ito para sakanila. Mayroon prinitong manok, menudo at nilagang baka na saktong sakto sa maulan na panahon Hindi tuloy sila nakapag langoy sa dagat ni Rohan dahil malakas ang ulan ng araw na iyon. Minabuti na lamang nilang manuod ng movie kanina at tulungan ang mga kasambahay nila sa pagluluto ng kanilang hapunan Napapansin niyang maya't maya ang pagtawag ni Rohan sa cellphone nito. Mukhang hindi ito mapakali at para bang namomoblema ito "Excuse me" Tumayo muli si Rohan habang kumakain sila ng tumunog ang cellphone nito lumayo pa ito sakanila upang hindi nila marinig ang pinag-uusapan ng mga ito Nagtataka na talaga si Angela sa kiniki

