"Lizzie? Lizzie Fuentes? Wow! Hi! Kamusta ka na? May kasama ka ba? Where's Brad?" Siya na naman? Ano ba? Nauumay na ako sa pangalan niya ha! Inirapan ko siya. "Don't say bad words. Baka sipain ka ng anak ko." "Hahaha! Ow bakit? Bawal banggitin si Brad?" "Bawal! Atsaka bakit mo ba siya hinahanap? May atraso ba siya sayo?" Sabi ko. Ininom ko yung strawberry smoothie na inorder ko. "Nope.. Wala siyang atraso sa akin, in fact may mga dapat pa nga akong ipagpasalamat sa kanya eh." Tumaas yung kilay ko. 'Ano naman kayang ginawa ni Brad para kay Michael? Binayaran kaya niya si Michael dahil niligtas niya ako?' "I know what you're thinking and no, hindi naman niya ako binayaran sa ginawa kong pagtulong sa inyo noon, ginawa ko lang yun as a returning favor sa ginawa niya para sa akin." That