(Serenity's POV) Tatlong araw na rin magmula nang mai-discharged si Gabby mula sa hospital at kahapon lang ay buong araw na nandito si Joseph para alagaan ang nagpapagaling pa rin naming anak. Simula nang malaman ng bata na ama nito si Joseph ay naging maayos naman na kami ng huli sa isa't-isa. Wala na kaming pagtatalo pa at hindi na rin namin pa napag-usapan ang tungkol sa kasal na nais niyang mangyari. Thank God! Natigil ako sa pag-iisip nang biglang may nag-pop up na new message sa aking f*******:. Ynna C. Smith: Hello, Serenity! We miss you so much! Napangiti ako habang nakaharap sa aking laptop. Miss ko na rin silang mga co-writers ko sa Pages to Cherish, New York Inc. Kumusta na kaya ang mga iyon ngayon? Agad akong nagreply. Serenity Manrique: Hello! How are you, Ynna? How's

