NINETEEN: "I need you..." (Serenity's POV) "Serenity? Napatawag ka?" Bungad ni Wayne mula sa kabilang linya nang sinagot ang tawag ko. "Wayne, alam na niya! Alam na ni Joseph na anak niya si Gabby!" Naibulalas ko kaagad. Wala akong pakialam kung iyak man ako nang iyak ngayon at halos maghisterya sa takot na baka ano mang oras ay pwedeng mawala ang anak ko sa akin. Hinintay ko ang pagsagot niya pero wala akong ibang narinig kundi ang mahabang pagbuntong-hininga lamang niya mula sa kabilang linya. "Anong sinabi niya sa'yo?" Tanong din n'ya. Bakit parang hindi man lang siya nagulat na alam na ngayon ni Joseph na anak namin si Gabby? Ipinarada ko saglit at inihinto ang aking kotse sa isang tabi para mas makausap ko nang mabuti si Wayne. You heard it right, nasa kotse ako ngay

