KINILIG NAMAN si Giezl sa binulong ni Zacky sa kaniya. Sino ba naman siya para mapasok ang mundo nito. Tiyak na maraming kababaehan ang maiinggit sa kinalalagyan niya sa ngayon at may takot man siyang lahat ng iyon ay hiram lamang. Ngunit sa tuwing nakikita si Zach, nawawala ang agam-agam na iyon. "Oh hija, kain ka lang ng kain. Huwag kang mahihiya." Ngiti bg ginang sa kaniya. "Salamat po tita," ngiting pabalik rito. "Naku hija, sanayin mo na akong tawaging mama dahil gusto kita para dito kay Zach. Sana naman ay huwag niyo nang tagalan pa. Gusto na talaga naming magkaapo.." hagikgik ng ginang. "Maaaa.." awat ni Zach sa ina. Baka kasi ma-pressure masyado si Giezl at baka umayaw pa ito. Kahit siya naman ay nais na niyang lumagay sa tahimik bago mag trenta. Wala lang siyang mahanap na tam