NANG MAKABALIK si Zach sa hotel ay alas tres na. Agad na pumunta ng penthouse dahil baka magalit na si Giezl dahil hindi na tupad ang pangakong lunch nito. Mabilis na pumasok at makitang maayos ang sala. Tila walang tao kaya mabilis na tinungo ang silid at makitang nakahiga roon ang asawa. Lumapit siya rito at masuyong pinagmasdan. Masarap ang tulog nito saka kinintalan ng masuyong halik sa noo. Tumayo at mabilis na tinanggal ang kurbata at binuksan ang botones. Dahil nabusog at sa pagod ng nagdaang araw ay hindi napigilan ni Giezl na maidlip nang makabalik siya ng silid pasado alas dose. Kaya pinasyang maidlip. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nakatulog hanggang sa maramdaman niya ang paghalik sa kaniyang noo. Idinilat ang mga mata at nakita ang asawang nakatalikod at nagtata