Chapter 44 Joeryl's P. O. V Gusto kong maiyak sa mga negative post tungkol sa akin. Ngayon lang umingay ng ganito ang pangalan ko, sa negative way pa. This model is a bad influence I can't believe she's flirting with her co-worker. Ang landi pala niya. Maganda lang siya pero pangit ugali. Hindi naman sila bagay ni Ruzzel. May okay pa sila ni Sophia. Nilandi niya si Director Ruzzel para maging lead role siya ng upcoming movie nila. Ang arte-arte naman niyang Joeryl na— Hindi ko na natapos ang pagbabasa ko nang hablutin ni Rence ang cellphone ko. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay. "Tinitignan ko lang naman--" "'Yun na nga ang problema. Alam mong masasaktan ka sa mga salita nila pero gusto mo pa rin basahin. Katangaha