Chapter 49 Joeryl's P. O. V Sinusuot ko ang sapatos ko habang ang kambal ay hinihila na ang kamay ko. "Tara na po!" "Let's go na, Mami!" "T-teka, yung sintas ko--" hindi ko na nabuhol ang sintas ng sapatos ko dahil sa kambal. Dinala na nila ako sa Van ni Madam Magenta. Hindi pa rin ako masyadong kinikibo ni Madam simula nang mabuntis ako at magkabalikan kami ni Ruzzel. Hinawakan ko ang balikat ni Madam, nakaupo siya sa passenger seat. "Madam, sorry na..." pagsuyo ko. "Hay na'ko. Hindi na mahalaga 'yon. Sumama ka na lang sa 'kin para sa contract signing," aniya. "Hindi mo na naman dinidiscuss sa 'kin yung contract na 'yan. Pipirma na naman ako basta-basta--" napatigil ako nang samaan niya ako ng tingin. "Ch-charot lang naman. Syempre may tiwala ako sa '