“Sigurado ka ba na kaya mo nang mag-isa?” Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang itinanong ito sa akin ni Carlotta ngayong umaga. Nagpapatuyo ako ng buhok dito sa salas habang si Carlotta naman ay nakahilata sa sofa habang nakatapat sa kanyang cellphone. Miyerkules ngayon at wala kaming trabaho mamaya kaya nagpasya akong pumunta muna sa mall. Maya-maya lang ay aalis na rin ako. Hinihintay ko lang na matuyo itong buhok ko. “Oo, ‘wag kang mag-alala. Kung maligaw man ako, ikaw na bahalang maghanap sa akin,” pabirong sagot ko rin. “Baliw!” Kinuha naman niya ang nasa ulunan na throw pillow at umambang ihahampas sa akin pero hindi rin naman itinuloy. Sa huli ay dinantayan na lang niya iyon. “Bast mag-chat ka sa ‘kin kapag nandoon ka na, ha? Hindi na kita masamahan kasi alam mo na… beb

