“Carlotta!” Pagbukas pa lang ng pinto ng condo ay agad na sinalubong ko na ang kararating lang na si Carlotta. Humahangos pa siya na tila nagmadali para makapunta rito. Nagtataas-baba ang kanyang dibdib at namumuo ang ilang pawis sa noo. Magkaiba kami ng naging reaksyon. Ako naman ay tila nabuhayan ng loob nang makita siya. Kanina pa ako pabalik-balik dito sa salas habang naghihintay sa kanya. “Salamat naman dumating ka na!” Hinawakan ko siya sa braso at akmang hihilahin na papunta sa kwarto ko nang ipihit niya ang katawan ko paharap sa kanya. “Okay ka lang ba? Ano ang nangyari?! Nilooban ba tayo?!” Mahigpit ang hawak niya sa balikat ko habang inililinga ang paningin sa buong kabahayan na tila ba may hinahanap. Mabilis na umiling ako. “Hindi! Walang nangyaring gano’n!” “Ha? E bak

