SIXTY-ONE: A Promise

3004 Words

“D-Doc, kumusta po ang kapatid ko?!” Parang sinisilihan ang aking pang-upo nang magbukas ang pinto ng Operating Room. Halos liparin ko ang pagitan namin ng doktor na lumabas mula ro’n. Inalis niya muna ang suot na face mask bago ako hinarap. Isang lalaking doktor na siguro ay nasa edad 30s hanggang 40s ang nasa harap ko. Naka-scrub cap pa siya nang lumabas sa Operating Room. At halata ang pagod sa mukha pero hindi na ako makapaghintay na marinig ang balita sa kung ano ang kalagayan ni Pia. Siya si Dr. James Olivares, ang surgeon na nag-opera kay Pia. Si Dra. De Leon naman ay ‘yong Pediatric Cardiologist ng kapatid ko na nakausap ko na rin kanina bago operahan si Pia. Kumakabog ang puso ko habang hinihintay ang sagot mula kay Dr. Olivares. Ramdam ko rin ang panlalamig ng kamay ng aking

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD